Bagyo, Bagwis
Lumipad ang mga dahon na parang mga kulisap na may epilepsy.
Yumuko ang mga sanga; nagpagalingan sa pagmuwestra.
Natuyo ang dagta sa lupa na parang isang patak ng rugby na tumulo mula sa cellophane.
Putol na ang tsinelas ni Aldo sa ikalabintatlo at kahulihulihang pagkakataon.
Sinubukan niyang magsalita pero parang nakadikit ang ngalangala kaya unti-unti na lang niyang pinataas-baba ang mga brasong inaabot ang Timog at Hilaga habang nakayukong pinapanood ang sariling anino na parang sinasaulo ang lambing ng bawat pagaspas.