Malilikot na Hugis

LP
Mainit ang ulo ni Leonard nang isoli niya ang depektibong Joshua Tree album ng bandang U2. Mahirap mag-ipon ng allowance para makabili ng bagong plaka linggo-linggo.

Hindi niya malilimutan kung bakit ito ang nabili niya sa halip na Hatful of Hollow ng The Smiths. Hindi pa daw nagdedeliver ang supplier nila sabi ng saleslady. Kinutuban na agad siya nang lumapit ito.

“Yes sir. Slow Rock? Disco? Dito sir,” nabigla siya nang humawak sa braso niya ang saleslady.

“Mayroon ba kayong Fra Lippo Lippi?” tanong niya para tumigil ang babae.  Alam niyang hindi nilalabas dito ang plaka ng banda mula sa Norway.

“Palipo, poly…Rolly Polly?” pabulol na sagot ng babae na hindi napigilang tumawa. “Eto o.”  Dumukot ito at inabutan siya ng sikat na banana candy. Lumakas pa ang hagikgik at nakitawa na rin ang iba pang tindera.

Tumalikod na lang si Leonard.  Pumunta sa kabilang istante at isa-isang pinintahan ang mga bagong plaka.  Third Wave New Wave Compilation.  Tinderbox ng Siouxie and the Banshees.  The Bolshoi. Electric ng The Cult.  Knife ng Aztec Camera.  Combat Rock ng The Clash. Meat is Murder ng The Smiths pati na yong self-titled album nila.

Nagpigil si Leonard magtanong sa saleslady. Nagpasya nang halukayin pa ang ibang istante nang lumapit ulit ang saleslady. Huminga siya nang malalim bago nagtanong.

“Wala bang Hatful of Hollow ng The Smiths? Eto yong ibang album nila e.”

Mabilis sumagot ang saleslady.

“Heto na lang bilhin n’yo,”  itinuro niya ang hanay ng mga album ng U2.

Gusto niya sanang sabihin “Magkano ba para tumikom ang bibig mo?” pero nakita niya ang bagong album ng U2. Lumapit siya sa saleslady parang aso.  Kumpleto siya sa lahat ng plaka ng bandang ito. Nabasa ang review sa Jingle Chord Magazine. Natuon ang pansin niya sa black and white na disenyo.

Pagbalik ng bahay, dali-dali niyang pinilas ang plastik ng plaka. Agad isinalang sa turntable.  Nalimutan niyang bilangin ang sukli.  Pati na kung magkano ang ibinayad niya.

Marahan niyang inilapag ang karayom. Masusing binasa ang kahon na parang nakatingin sa salamin bago umakyat ng ligaw.  Nakita niyang sumimangot ang sarili sa repleksyon sa kahon ng plaka pagtunog nito. Gasgas ang tunog. Parang isang pulutong ang nagluluto ng popcorn.  Binaligtad niya agad ang plaka.  Mas malakas ang garalgal.

Halos bulyawan niya ang kahera para papalitan ang plaka. Wala namang aberya pang naganap. Personal na pinalitan ng saleslady ang plaka niya. Pasintabi sa kapilyahan niya kahapon. Inalalayan pa siyang subukan ang bagong kopya ng Joshua Tree sa turntable ng record bar.

Nasiyahan si Leonard sa tunog.  Bilog na bilog ang bass. Matamis ang tinis ng treble. Kaya’t ganoon na lang ang pagputok ng galit niya nang subukan niya ito sa bahay. Mas maraming nagpapaputok ng mais. Tunog na tunog lata. Dumagundong ang bapols.

Sumubok siya ng lumang plaka at nalamang turntable niya ang sira. Sa galit, tinadyakan niya ang turntable.  Nahulog ito sa sahig bago umusok. Malayo-layo ang pinagtalsikan ng durog na plaka. Hindi pa siya nasiyahan at hinampas ang wasak na turntable. Pinalo nang pinalo.  Sumigaw na parang may kaaway. Hampas na naging kumpas. Nagkaroon ng ritmo. Nagkaroon ng tono.

(from Pagluwas, UP Press 2006)

Bulletin
Bago hatakin ni Obet ang tako, sinipat niya ang mga picha. Wala nang kawala ang pamato. Sungay kasi ng kalabaw kaya siguradong sargo ang lahat.

Mainit pa ang mesa sa paghagod ng liha pero hindi na mawawala ang uka sa tabla. Parang nilagyan ng riles at wala nang magagawa pa para pigiling mahulog sa butas ang diyes at dos — ang suma ng dalawang tansang nadukot ni Obet sa bolahan.

Sa kapal ng borax sa kamay, nabahiran ang numerong nakasulat sa tansan. Nagduda siya kung “ZI” ba ang nakasulat sa halip na 12. Isang dosenang tumbok at doblete, laglag lahat.

Tupada
Naluha si Teban sa usok at abo. Hindi rin siya nakaiwas nang tumilamsik ang dugo mula sa pinungusang tandang. Sa lakas ng pagpupumiglas ng tandang, halos makaalpas ito sa pagkakayapos ni Greg.

Nataranta naman sina Popoy at Jun na humahangos mula sa basketball. Nagbiro pa si Jun na pumusta sa parang nagsasabong na mga balahibo, manok, tao. Nagkabitawan na nang tuluyan at wala nang makatukoy kung saan tumilapon ang tare na ginamit na pamputol ng palong.

Gayunpaman, pinilit kalmahin ni Teban ng sarili. Sinalo niya ang abo ng yosi habang nasisilaw sa papalapit bagay na makislap at matalim at matulis.

Ikalimang Araw : Taglagas*
Naaalala mo pa ba Selya nang iniwan n’yo ako sa ilalim ng akasya noong magdarapit-hapon na at ako ang taya sa larong takipsilim. Hinanap ko kayong lahat noon. Kahit pa sinabing may kapre daw sa punong ‘yon. Sabi pa nga ng Inay, mas madalas magpakita ang kapre dahil nangalaglag na ang mga dahon. Hinanap ko kayo hanggang matagpuan ako ni Tiyo Andres. Hindi ko mapigilang umiyak. Hindi ko matanggap na dinaya n’yo ‘ko.

Kinabukasan, tinukso n’yo pa ‘ko. Uhugin. Duwag at kung ano-ano pang mga salitang walang kawawaan sa akin.

Katatapos lang naming makipagsagupa sa mga Kastila. Nangalahati kami. Inubos naman namin sila. Siniguro naming patay lahat at sinigaan ang mga bangkay. Ayaw mang tanggapin ng damdamin, naglaway ako nang makaamoy ng natutustang tao.

Nagutom kami. Kinatay namin ang alagang kambing ni Tata Miong. Hindi namin kinain ang ulo dahil doon nakakabit ang sungay. Hindi kumain ang dalawang bihag. Hindi na para sa kanila ang pagkain.

Saan ka nga ba talaga nagpunta noong gabi ng Agosto? Sabi ng Itay mo, nagtanan ka raw. Sumama sa isang prayle, nagtungong Camarines. Hindi ako naniniwala. Naalala ko lang bago ka nawala, ang pagkalunod ng mga mata mo sa maputik na luha. Kagagaling n’yo lang ni Salome noon sa sapa para maglaba. Ayaw mong masalita noon. Hindi ko na tinanong kung bakit bali ang palo-palong bitbit mo. Hindi na lang ako umimik dahil alam kong alam mo na.

Nilalapa kami ng lamok dito. Sinlaki ng paruparo ang mga lamok dito sa Bundok Buntis. Ewan ko ba kung bakit sa lugar na ito, napakadaling dumapo ng pahinga?

Pasensya ka na at kung saan-saan napupunta  ang sinusulat ko. Nagpapahinga nga kami pero hindi ito ang hinahanap ng katawan namin. Iniisip ko na lang na hinihintay mo ako sa Camarines. Malapit na naman raw matapos ang himagsikan at gagawin ko ang papel ko mula pa noong bata tayo. Pero, saan kita hahagilapin? Mababasa mo kaya ang sulat kong ito?

Kaninang umaga, pinatawan namin ng parusang kamatayan ang dalawang bihag. Hindi ko sila kilala. Basta mga taga-Tundo raw. Taksil daw sa himagsikan.

Nang barilin ko na ang huli, tumitig siya sa akin. Naunawaan ko ang lungkot niya. Natiyak ko ring hindi na tayo magkikita.

* Ang “Ikalimang Araw : Taglagas” ay isang section sa maikling kuwentong pinamagatang “Ang Banal na Ebanghelyo Ayon Kay Cabo dela Paz.”

Mga Insektong Bumabaon sa Balat
HINDI PA NAHUHUBAD NI EDDIE ANG KALIWANG BINTI NG PANTALON nang makaramdam ng matinding panghihina. Napaupo siya. Parang nabitag ng balita sa TV. Nasa dulo ng dila niya ang pangalan ng mga nagwawasiwas ng itak. Silang pumipigil sa mga balang nag-iwan ng pisi ng ilaw sa ere. Hinahadlangan nila ang mga nagliliparang tingga – mga insektong bumabaon sa balat.

Malinaw na malinaw sa kanya ang report. Inatake ng mga sundalo sa Siniloan ang kuta ng isang kulto. Ayaw pang ibulgar ang pangalan ng kulto dahil di pa tapos ang imbestigasyon. Mahahaba ang buhok nila. Tadtad ng tato ang mga katawan. Sa footage na ipinalabas sa tv, di na mawari kung anong disenyo. Parang agila o kung anong hayop, na palagay ni  Eddie, may kinalaman sa mga ispiritista sa Banawe. Matang nasa loob ng piramide. Mga orasyong Latin.

Magalaw ang camera. Umiiwas ang cameraman sa bala o sa dugong nagtitilamsikan. Nagtapos ang report sa pagpapakita sa isang miyembrong parang nakikipagbadminton sa hangin. Tatlong hakbang na lang siya sa hanay ng mga sundalo, titigil nang sandali sa bawat pagbaon ng bala. Napaupo siya nang tamaan sa hita. Patuloy na nagwawasiwas ng bolo habang nakaluhod. Umusad na parang nagdarasal sa gitna ng simbahan. Sandali pa, tumumba ang ulo nito. Parang nabali ang leeg. Parang nauntog sa hangin.  Patuloy na parang elesi ang mga braso niya; parang ibang tao ang nag-uutos sa mga braso. Tumigil lang nang sumalampak na sa lupa. Matapos paulanan pa ng makailang hagod ng bala ang katawan.

Lalong nanlambot si Eddie nang maisip na hindi siya nanonood ng pelikula. Totoong tao ang pinagbabaril. Ang mga kinatay.

Nagpigil siyang dumuwal. Nalunod tuloy ang mga mata niya sa luha. Gusto niyang tawagan si Jo. Kung alam lang ni Eddie kung nasaan siya ngayon. Kung meron lang dial tone ang telepono.

Hindi na tinapos ni Eddie ang balita. Pinatay niya ang TV nang magsimulang ipalabas ang commercial ng pabangong U d Toilet na ipinopromote ni Roni Adriano. Matapos magpalit ng shorts, lumabas ng bahay si Eddie para makasagap ng sariwang hangin. Sandali pa lang sa labas, nagbaha na ng laway sa bibig niya.

Maliban sa mahinang pagkahol ng mga aso, tahimik na sa labas. Naglakad-lakad siya para maghanap ng yosi. Mabuti na lang, wala nang bukas na tindahan. Nang magtanong siya sa magbabalut, ipinakita lang nito ang gusot na balat ng Hope. May ilang stick pa ng Marlboro sa basket pero mabilis itong tinabunan ng tuwalyang pambalot sa mga itlog. Aapila pa sana si Eddie. Magmamaktol. Pero nang dumukot siya sa bulsa, nalaman niyang wala rin pala siyang dalang pera. Napasipol si Eddie sa kinalabasan. Buti na lang rin, hindi niya nasira ang pangako niya kay Jo. Sa tindi ng pang-amoy ni Jo, kahit bukas pa sila magkikita, siguradong malalaman niya. Wala ring silbing magmaang-maangan. Hindi niya kakayaning magsinungaling kay Jo.

Hindi agad nakatulog si Eddie pagbalik sa bahay. Kahit matagal nang nakahiga, nanlalambot pa rin siya at parang lumulutang-lutang sa laot. Di maintindihan kung natatae o sinisikmura. Sinubukan niyang dumapa pero walang nangyari. Sinubukan niyang tabunan ng katawan ng mga unan, magtalukbong ng kumot, ilagay sa sahig ang paa o ang ulo. Gusto niya rin sanang humiga na lang sa sahig, gaya ng ginagawa niya noong bata pa siya. Tinatamad namang siyang magwalis. Hinila niya ang pising na nakalawit sa kisame para patayin ang ilaw at naiwang kumikinangkinang ang iba’t ibang LED sa tabi ng saksakan. Naalala niya tuloy na nagkakarga siya ng baterya ng camera at laptop. Sandali pa, binuksan niya muli ang ilaw. Hinatak ulit ang tali. Hinatak pa.

Nang tumayo si Eddie, nakita niyang sumisilip na mula sa pagitan ng katre’t kutson ang ilan sa mga papel na itinago niya kamakalawa. Gulagulanit na ang mga ito kaya maingat niyang hinila. Nasa ibabaw ang isang news clipping ng pagkaguho ng ilang mga billboard sa Maynila matapos ang bagyong Gunaw. May ilang malulutong na pahina rin ng libro tungkol kay Apo at ang MANNAH. May ilan ring pamphlet ng KaPa at mga gasgas na larawan ng isang seminar na dinaluhan niya. Binilisan niya ang paghagilap sa mga papel. Matapos ang isang masinop na pagbalasa, nagpasya siyang iangat ang kutson nang mas mataas. Doon sa bahaging malapit sa dinding, natagpuan niya ang kopya ng Ebanghelyo.

Napabuntong-hininga si Eddie. Idinarang niya sa dibdib ang maliit na libro at pumikit. Hinaplos-haplos muna niya ang plastic cover, gaya ng pagpahid ng panyo sa mga santo, saka niya binuklat ang librong parang prayer book. Sa mga panahon ng pag-aalinlangan, dito kumukuha ng lakas si Eddie.

Mula nang magkawatak-watak ang KaPa, ang pagbabasa na lang ng Ebanghelyo ang tanging pag-asa ni Eddie. Malakas ang kutob niya na buo pa rin ang samahan. Na kahit paano, maitatayo muli ang KaPa. Kaya naman laking tuwa niya nang makilala si Jo na patunay na may pagkilos para buhayin muli ang KaPa – para buhayin muli ang pinuno nilang si Cabo.

Tumingin muli siya sa orasan bago naghanap ng komportableng posisyon sa kama. Hapon pa ang misyon nila ni Jo sa Luneta, pero kinumbida siya ni Eddie na mag-almusal sila dito. Kung si Eddie lang ang masusunod, dito na lang dapat natulog si Jo. Pero ayaw talaga ni Jo. Kesyo baka daw makahalata ang nanay niya. Kesyo, kakailanganin niya raw ng lakas bukas dahil alam niyang hindi naman talaga pagtulog ang habol nila sa isa’t isa. Nagkasundo lang sila sa almusal.

Nang mailapat na ang likod, pumikit si Eddie at dumilat. Binuklat niya ang libro at tinitigan ang pamagat na parang may sinisiprang kodigo. Nagdoble ang pagkakatatak ng mga titik kaya naisip ni Eddie na magandang senyales. Madali siyang makakatulog. Saulado na naman niya na halos ang libro. Kailangan lang niyang mapanatag ngayon at walang makapagbibigay ng hinahaniya kundi ang pagbabalik-balik sa buhay ni Cabo.

Ang Kasukalan Nitong Mga Nakaraang Araw
Biglang pumreno ang bus na sinasakyan ni Romy. Hindi man lang nagmenor ang drayber matapos rumagasa sa ga-batyang lubak sa EDSA. Nalubak din ang paglipad ng isip niya. Tumalbog siya sa pagkakaupo at napuruhan ang pigsang malapit nang mahinog sa likod ng kanang hita. Mahirap pero tiniis niya ang sakit. Baka may makapansin pa sa papilipit niyang pag-ayos sa pagkakaupo sa kahoy na upuan.

Natuklasan niya ang pigsa habang nagbubuhos ng inipong tubig sa banyo. Napapalahaw sa sakit nang mahagip ito ng batong panghilod. Siya namang pagkatok ng Tatay niya na matagal nang nagsususpetsa kung bakit ang tagal-tagal niya sa banyo. Mabuti na lang at nabitawan ni Romy ang panghilod. Dinahilan niyang bumagsak ito sa paa niya. Nang humupa na ang sakit, hinaplos niya ang ga-taghiyawat na pigsa. Namangha siya sa kaisipang ang ganito kaliit na bagay, kayang magpahirap sa buong katawan. Ilang sandali pa, dinampot na niya ang tabo at marahang sinabon-sabon ang pigsa tulad ng paghimas ng mga deboto sa mga kahoy na santo.

Panandaliang napawi ang sakit nang nagbanlaw na siya. Naalala rin ni Romy kung bakit ganoon na lang ang pagkatakot niya nang kumatok ang tatay niya. Magkatulad kasi ang dagundong sa pinto ng banyo at ang tunog ng paghampas sa ulo ng nanay niya sa dingding.

Mahimbing nang natutulog si Romy nang magkagulo na naman kagabi. Pinapanaginipan niya kung paano sisimplehan ng halik si Lina. Dalawang linggo na kasi siyang lumulutang sa alapaap nang maging magsyota na sila Lina. Langit talaga, naisip niya,  kahit pa hanggang ngayon ni hindi pa rin siya nakakahalik.

Ilang araw na siyang tumatakas-takas patungo sa gabing iyon. Saulado niya ang mga detalye. Tumagos sa siwang ng mga dahon ng higanteng acacia ang liwanag ng buwan. Sabay ikinukubli at ipinapamalas ang mga mukha nila. Gabi na pero marami pa ring mga estudyanteng pagala-gala sa Quad. Kunwang nakatingin si Romy sa malayo. Ninanamnam nang husto ang pagkakataong maggagabi na at katabi pa rin niya si Lina. May pinagtalunan sila kani-kanina na nauwi sa munting tampuhan. Pabor naman ito kay Romy para makabuwelo siya sa sasabihin. Ang totoo, si Romy ang nagpasimuno ng “tampuhan.”

“Eh sa maganda ang laro namin kanina.” paliwanag ni Lina. “Hirap sa ‘yo di ko naman sadyang ma-late. Grabe ka kung magtampo.”

“Just goes to show…”

“Ikaw nga diyan, hindi ka man lang nanood. Ano ba naman ‘yong makilala mo ang teammates ko.”

“Dyahe, eh.”

Hindi marunong magbasketball si Romy. Wala siyang kahit anumang hilig sa mga laro. “It bores me,” minsan na niyang idinahilan kay Lina.

Matagal silang hindi nagkibuan. Kinakabahan na si Romy na baka mabulilyaso pa ang pagkakataong ito kaya binago niya ang takbo ng usapan.

“Matanong nga kita. Bakit ka ba sumasama sa akin?”

Napangiti si Romy sa tanong niyang ito dahil una, pinapalabas ng tanong niya na si Lina ang sumusunod-sunod sa kanya. Pangalawa, kailangan pa tuloy ipagtanggol ni Lina ang sarili sa kanya.

Nahulog si Lina sa patibong. “Kasi, hindi ka naghahabol. Kasi, nariyan ka palagi pag kailangan kita. Kasi nariyan ka. Ewan ko.”

“Tapos ka na?”

Hindi makasagot si Lina.

“Kaya gusto kitang kasama? Ikaw lang ang nakakasakay sa mga hirit ko. Ikaw lang ang natatawa sa akin. Masarap kang kasama, kung hindi mo alam.”

Huminga nang malalim si Romy at nagpatuloy. “At saka, mahal na kita.”

Hindi makapaniwala si Romy nang abutin ni Lina ang kamay niya. Natuwa sa sinabi niya at nagpasalamat dahil sa dilim ng buong paligid, hindi nakita ni Lina na nangingilid na ang luha sa mga mata niya. Kung wala lang si Lina nang sandaling yon, malamang humagulgol sa saya si Romy.

Hinatid niya si Lina sa abangan ng dyip nang gumabi na nang husto. Gusto niya sanang sabayan pauwi si Lina pero kakapusin siya sa pamasahe. Siguradong tatadtarin na naman siya ng mura. Sayang naman ang saya niya kung sisirain lang ng tatay niya. Paulit-ulit niyang binabalikan ang gabing ito. Malaking bagay habang pilit niyang kinakalimutang dumadalas ang pag-aaway ng mga magulang niya.

Binulyawan si Romy ng tatay niya paglabas ng banyo. Hindi naman siya makapalag. Mas malaki sa kanya ang tatay niya. Nanahimik na lang siya at baka lumala lang.

“Anong oras ka naman uuwi?” pahabol ng tatay niya. “Pareho na kayo ng nanay mo. Hoy, putang ama ka! Hindi boardinghouse ang bahay ko.”

Tiniis ni Romy. Hindi pa rin siya sumagot. Umalis siyang parang walang narinig at nasalubong ang nanay niya sa may bintana. Nakatingin sa malayo an nanay niya at halos magdoble ang mukha sa pamamaga. Napansin niyang hindi maikala ng kadiliman ang kalat-kalat na tagpi ng kulay ube sa mukha nito. Nagkaharap sila pero hindi nagkita.

Matagal na ring walang pakialam si Romy sa dalawa. Engineer sa Department of Public Works ang tatay niya at madalas madestino sa probinsya. Lumaki tuloy siyang halos walang ama. Pagod na siyang ipagtanggol ang nanay niya. Kinukutya siya palaging mama’s boy. Hindi niya matukoy kung kailan nagsimula ito at kung ano nga ba ang nauna: Ang paglalagi ng nanay niya sa mga kaibigan o ang pambababae ng tatay niya? Paikot-ikot na lang palagi ang pagtatalo ng mga magulang niya.

“Yong anak mo, walang na namang hapunan.”

“Anong pambibili ko ng pagkain, pagkatapos mong ubusin diyan sa babae mo?

“Pa’no, lagi kang wala rito. Minsan na nga lang ako uuwi, wala ka pa.”

“Eh di inamin mo ring may babae ka.”

Wala nang kawawaan ang susunod. Mapapalitan na ang singhalan ng umaatikabong putangina, bwukanangina, at kung anu-ano pa ng ina sa pagitan ng kalabog ng dagok, suntok, tadyak at iba’t-iba pang tunog na kasing-sakit mapakinggan gaya ng maramdaman.

Binilisang pumasok ni Romy sa kuwarto. Pinahid ng tuwalya ang mukha na mas basa  dahil sa tumatagaktak na pawis. Wala na siyang mahalungkat na malinis-linis na polo at maong na nakasalansan sa sahig. Matagal na nang huli siyang maglaba. Pakonti nang pakonti ang pumapatak na tubig sa gripo, kung meron man. Naramdaman din niya ang pangangapal ng talampakan nang isuot niya ang topsiders na pinipigilan ng masking tape ang pagngiti ng suwelas.

Labag man sa kalooban, napilitan din siyang lumapit sa tatay niya paglabas. Sayang din ang allowance. Kailangan ng pandagdag sa naipon niya nitong nakaraang linggo. Hindi siya umaasa pero baka magkaroon na siya ng loob yayain ng date si Lina. Gaya ng inaasahan, mas marami pang bulyaw kaysa barya ang napala sa tatay niya.

At kung hindi ba naman siya talaga minamalas, sandali lang sila nagkita ni Lina sa campus. Nagmamadali daw. May praktis daw sila. Daw. Makailang araw na ring kinukutoban si Romy sa relasyon nila. Unti-unting nagiging mailap si Lina. Bago tuluyang umalis, hiniling ni Lina na huwag silang mag-holding hands sa harap ng mga kaklase.

“Pero magboyfriend pa rin tayo?”

“Bahala ka.” sagot ni Lina.

Nagkasya na lang si Romy sa kaisipang “Bahala na” ang sinabi ni Lina. Naisip din niyang mabuti na rin at hindi siya mapalapit nang husto dahil may pigsa nga niya. Inisip lang ni Romy na hindi naman mahalaga ‘yon. “Ang mahalaga,” kinumbinse niya ang sarili, “malinaw sa akin na mahal ko si siya. Tapos.”

Isa ito sa mga pinag-iisipan ni Romy bago malubak ang bus. At para maiwasan din ang pag-ukilkil ng sakit na dulot ng pigsa, pinag-isipan din niya kung bakit pinapayagan pa ring bumiyahe sa EDSA ang mga bus na kakarag-karag tulad nito. Marami pa ring pulang bus na yari sa lawanit ang kaha at bintana. Bukod sa sobrang bagal, kinukulambuan din nito ng itim na usok ang daan. Hindi niya ininda ang trapik. Kung sabagay, kailangan niya ang matagal na pagkakataong ito ng pag-iisa. Walang dahilan para magmadali. Hindi niya talaga gustong umuwi pero saan pa ba siya pupunta?

Huminto ang bus sa Cubao Ibabaw para punuin pa ang siksikan nang bus. Maraming bumaba pero mas marami ang sumakay. Napilitan siyang umusog at naipit pa muli ang pigsa nang may tumabing mag-ina sa kanya. Himbing na nakayakap sa dibdib ang sanggol sa kabila ng matinding alinsangan sa loob. Pinangibabawan silang lahat ng samu’t saring amoy. Walang nagkikibuan. Kahit natuluan na si Romy ng laway ng sanggol. Kahit damang-dama niya ang naglulusak na t-shirt ng ale sa bandang kilikili. Kahit nararamdaman niyang basa at may kakaibang ginhawa sa likod ng kanang hita niya.

Ibinaba ni Romy ang lawanit na harang sa bintana ng bus. Sumilip sa labas para makasagap ng sariwang hangin at para na rin matakasan ang kalunos-lunos na kalagayan nilang mga pasahero sa loob. Hindi niya halos mahinuha ang billboard ng pelikula ng anak ng Pangulo dahil sa usok at umaagaw na dilim. Katabi nito ang isa pang pelikula ng anak ang Pangulo na Coming Soon naman. Nakita niya ang agos ng sanlaksang taong tumatawid sa lahat ng direksyon sa EDSA at Aurora Boulevard. Nalilibang na si Romy nang biglang nahilamusan ng malagkit na plema mula sa pasaherong nakaupo sa harap. Gusto niyang magalit pero nakita niyang isang patpating matanda ang dumura. Napigilan rin siya dahil kung sakaling tumayo siya, siguradong maagawan naman ng upuan.

Nagpahid na lang si Romy sa mukha at pinilit matulog. Agad naman siyang nagupo ng kadiliman. Parang may kumalabit sa switch ng ilaw at naging payapa ang lahat. Nanibago pa rin siya sa pagkapalagay sa kadiliman. Maliban sa pakiramdam ng basa sa hita niya, nagtagumpay si Romy sa pagtakas sa mapanupil na bus. Pinakinggan niyang mabuti ang buong paligid. Ang papugak-pugak na arangkada ng bus. Ang paniningil ng kundoktor. Ang walang patid na pag-ubo ng matanda. Ilang sandali pa, nakasanayan niya ang mga tunog ng kapaligiran at mula sa ingay at walang kawawaan, unti-unting nabuo ang isang ritmo. Naging musika. Naging oyayi. Bumagay sa kadiliman.

Mayamaya, nabuo sa kadiliman ang mukha ni Lina. Nagdidribol. Kumambyo. Sumaksak sa gitna. Nag-lay-up pero sumupalpal ang tatay niya. Naagaw nito ang bola at ibinato sa kabilang court. Naroon ang nanay niya, nakaambang sasaluhin ang bola. Nakataas ang dalawang kamay pero sa tiyan niya sumalpok ang bola. Pumasok doon. Napayuko ito. Sapo-sapo ang tiyan. May dalang kagampan. Tumingala ito at sumigaw. Sigaw ng sanggol. Nabingi siya. Naalimpungatan.

Nagising si Romy sa lakas ng iyak ng katabing sanggol. Inuga naman ng nanay na natataranta na sa walang katapusang pag-iyak. Humihikbi na rin ang nanay. Nainis siya dahil naistorbo ang pag-idlip niya. Pero lalo siyang nainis nang makitang lahat ng ibang pasahero, sa malayo nakatingin. Nakapagtataka na sa tumpak na pagkakasalampak nila sa kahoy na bus, parang wala man lang nakakarinig sa palahaw ng sanggol.

“Baka gutom?” mungkahi niya sa babae. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin at gagawin sa mga ganitong pagkakataon.

“Obvious ba? Gusto mo lang yatang makita ang suso ko pag pinadede ko ‘tong anak ko. Kayo talagang mga lalaki, lalo na kayong mga kabataan, sobrang libog ninyo. Hoy, kung hinihintay mong ilabas ko ang suso ko dito, manigas ka.”

Nanigas si Romy sa hiya. Tumingin ang lahat sa kanya. Halos mabali-bali pa ang leeg ng mga malayo para makita kung sino ‘tong lumabag sa batas ng mabuting pasahero – ang pananatiling walang kibo. Hindi alam ni Romy kung ano ang gagawin at sasabihin. Binaling na lang niya ulit ang tingin sa labas at natuwa nang makitang nasa Crossing Ibabaw na sila. Panandaliang tumahan ang sanggol, pero tumuloy ulit ng pag-iyak. Hiyang-hiya siya nang bumaba dahil pinagtitinginan siya ng mga tao. Hirap siyang matukoy kung dahil sa pagbubunganga ng babaeng katabi niya o dahil sa mapa ng dugo sa likod ng hita niya.

Malayo pa ang nilakad ni Romy bago matunton ang bahay. Dali-dali siyang pumasok. Nakakayamot na ang lagkit sa pantalon niya at naaamoy na rin niya ang lansa. Sa pagmamadali, hindi na napansin ni Romy na gabi na’t wala pang nagbubukas ng ilaw. Narinig niyang may naggigisa, naamoy ang sardinas, bawang, sibuyas, kamatis at siling labuyo sa kusina at ipinagpalagay niyang nanay niya iyon. Naisip niyang wala na naman ang tatay niya. Madalas itong sumasalubong sa kanya ng kung anu-anong mura pag nauunahan siyang dumating.

Pagdating sa banyo, sinabon agad ni Romy ang pumutok na pigsa.  Nakita niyang maliit lang ang butas at nagtaka na dito dumaan ang parang delubyo ng dugong sinipsip ng maong niya. May maliit na umbok pa rin. Napailing si Romy dahil alam niyang hindi pa hinog ang pigsa. Nagmumura pa lang ang mata at sa mga susunod na araw, tiyak siyang mas masakit at mas madugo ang pagputok nito.

Hinimas-himas niya ang sugat. Masinsing nagsabon. Sa simula, mahapdi pero nang tumagal-tagal, nakakakiliti na. Pagkatapos, kinuha niya ang maruming pantalon at mariing pinahiran ng sabon. Kinusot niya ito nang maigi. Halos magpaltos ang mga kamay niya sa kakaibang pangigigil, pambabayo sa sahig. Eto para kay Lina. Eto para sa Nanay. Eto para sa Tatay. Eto para sa… Natigilan siya nang humahapdi na ang mga palad.

Pagkabanlaw, sinigurado niyang wala nang mantsa ng dugo. Otomatiko rin siyang tumabo ng tubig at nagbuhos. Nakalimutan niyang nakapolo pa rin siya. Kahit pa, tumabo pa rin siya nang tumabo nang walang kapararakan. Nang paubos na ang tubig, binuhat niya ang timba. Ibinuhos niya hanggang sa huling patak ang tubig na parang ang pagligong ito ang lilinis sa lahat ng mga pinagdaanan niyang kasukalan nitong mga nakaraang araw.

Nakaramdam siya nang kagyat na kaginhawaan kasabay ng pag-ihip ng malamig na simoy sa loob ng banyo. Pero nanlalagkit pa rin siya at ubos na ang tubig sa banyo. Mayamaya pa, dumagundong muli ang pinto. Hindi na siya kinabahan sa maingay na pagkalampag. Lalabas naman agad siya pag sumigaw ang tatay niya. Namrublema lang si Romy na ni hindi siya nakapagdala ng bihisan o tuwalya man lang bago pumasok sa banyo.

Nang Makaiwas sa mga Tanong na Hindi Niya Masasagot, Part I
Muntik nang tumumba ang gitara ni Rex nang ihatid sa kanila ang dalawang bote ng Pale Pilsen. Nakaharang sa daan ang paa ni Rex kaya natisod ang babaeng nag-abot. Nasalo naman agad ng babae ang mga bote. Natilamsikan nga lang ang cellphone ni Rex na kanina pa niya pinipindot-pindot para mabasa agad kung may text na galing kay Miko. Abala rin si Jonjon na kanina pa may dinudukot sa case ng bass guitar. Nagpaumanhin ang babae pero hindi siya pinansin ng dalawa.

Parang pangalawang bahay na ni Rex ang Balsa. Lahat puwede niyang gawin dito. Magdala ng gin bulag kapag nagtitipid (na madalas nangyayari). Minsan kahit mani nagbabaon siya. Wala ring hasel kahit na mag-ingay siya. Magpatugtog ng trip niyang sounds. Kahit nga mag-jutes, okay lang. Tutulungan pa silang magbalot ni Erwin, ang manager.

“Basta organic, magkakasundo tayo.” hirit ni Erwin.

Kakaibang mag-alaga ng costumer si Erwin.  Lahat ng costumer sinisiguro niyang kausapin. Nang unang mapadpad si Rex dito, nagpamorningan sila ni Ewin. Magdamagang sumasalanta ang bagyo at bumaha sa Mabini at Del Pilar. Hindi na nagtapang-tapangan pa si Rex na ilusong ang oto niya. Walang ibang masilungang hindi basa kundi ang Balsa.

Nagkagaanan naman agad sila ng loob ni Erwin. Kahit paano, ganoon ang naramdaman ni Rex. Pinahiram pa siya ng payong ni Erwin pabalik sa oto. Hindi na naisoli ni Rex ang payong. Winasak ito ng nag-aamok na hangin nang bumaba si Rex papunta sa apartment niya. Mula noon, naging maingat si Rex na mapaalala ang payong. Hindi naman siya tinatanong ni Erwin. Diyahe nga lang pag naungkat pa.

Naalala ni Rex ang payong habang otomatikong ipinahid sa hita ng maong ang display ng cellphone. Ugali na niyang gawin ito pagkatapos idikit ang cellphone sa langising mukha pag may tumawag. Minsan lang niya gamit ang cellphone para tumawag. Libre lang kasi kapag ikaw ang tinawagan.

“Ba’t kasi di ka bumili ng handsfree? Dehin pa delikado pag nagmamaneho.” payo ni Jonjon noon.

Naunawaan naman si Rex ang pag-aalala ni Jonjon. Sino ba naman ang ayaw ng bluetooth. Kung meron lang siyang extrang breads.

“Kaso lang, kung ganyan ka na kalangis sa pisngi, ano pa kaya sa tenga?” dagdag ni Jonjon bago tumawa nang malakas.

“Ingat ka baka iyan na ang huling tawa mo.” pabirong banta ni Rex na nakaakmang apakan ang bass guitar ni Jonjon.

“Chief, wala namang bastusan ng syota.” hirit ni Jonjon na nagmadaling niyakap ang gitara niya.

Syota ang turing nila sa mga gitara nila. Lahat, may pangalan. Ang bass guitar ni Jonjon, si Hilda. Kasi daw parang malaking babae na mababa ang boses. Tori naman ang pekeng Strat ni Rex. Lagi niyang sinasabing dahil kay Tori Amos at hindi kay Tori Spelling mula sa kinaiinisan nilang TV series. Dahil laging pinagpipilitan ng mga kabanda niya, pinabayaan na lang niya. Tori Spelling na kung Tori Spelling. Minsan kailangan manahimik na lang. Mauungkat lang na torpe siya kaya wala pang totoong syota.

“Ano daw sabi ni Miko?” tanong ni Jonjon sabay inguso ang cellphone ni Rex.

“Wala pa e. Dalawang bar na nga lang ang battery ko.” sagot ni Rex.

“Ba’t di mo pa kasi tawagan?” tanong ulit ni Jonjon.

“Mas malakas kayang makaubos ng baterya yon? At saka paubos na rin load ko e.”

“E di bumili.” Namilosopo pa si Jonjon.

“Ikaw kaya ang bumili? Pagkatapos ikaw na rin magbayad ng beer. Kung alam ko lang na di na naman sisipot si Miko, di na sana ako bumili ng isang set ng string.” sigaw ni Rex na lalo pang namula.

Barya na lang ang natira sa allowance ni Rex matapos bumili ng kuwerdas kanina. Pinlano na niyang patagalin ang isang bote ng beer hanggang magsara si Erwin ngayong gabi. Hindi ubra sa tigdalawang bote ang pera niya. Wala rin naman siyang maaasahan kay Jonjon na umaasa lang din sa kanya. Konsolasyon lang niyang mataas pa sa kalahati ang karayom ng fuel gauge sa box-type Lancer. Makakailang pabalik-balik pa sila sa Marikina.

“Ahh. Okay lang naman ako. Alam mo bang ang sarap ng beer na ito. Gawa daw ito sa pinaka…” sabi ni Jonjon habang binabasa ang nakasulat sa likod ng bote para basahin, para ibahin ang usapan.

Ayaw na niyang painitin pa ang ulo ni Rex. Nakailang lamukos na sa mukha ito. Tama na ang pagkakapurnada ng gig nila dahil sa hindi pagsipot ni Miko.

“Binago na nila ang nakasulat d’yan. Sa kabila mo tignan. Ulol!” sabi ni Rex na nagbago na ang timpla. Pinipigilan naman ngayon ang sariling matawa.

“Rex? Rex? Ikaw ba ‘yan? Huhuhu.” pabirong sagot ni Jonjon. Nanibago sa biglaang paglamig ng ulo ni Rex. Naunawaan lang ni Jonjon nang makita ang tinatanaw ni Rex sa bar.

“Kilala mo ba ‘yong tumutulong kay Erwin?” tanong ni Rex.

“Ah…’Yon pala si Erwin.”  Tumango-tango si Jonjon. Tama ang hula niya na si Erwin nga yong mukhang magbabalot na nagkamaling pumasok sa Balsa . “Ako pang tinanong mo. Minsan mo lang ako isama dito.” halong seryoso at pabirong tampo ni Jonjon.

“Ganoon? Napakilala na kita di b…”

Napakamot na lang at di na tinapos ni Rex ang sasabihin. Totoong di pa niya naisasama si Jonjon dito.

Kung kelan pa malayo ang babaeng nambasa sa kanila, saka lang nila napansin. Hindi siya kagandahan. Kapansin-pansin lang gawa ng suot nitong cheong-sam na napakakintab. Mahusay ang pagtatalaban ng pula at mas dominanteng itim ng seda sa morenang balat nito. Patuloy na napatanga si Rex sa kanya at di lang minsang nahuli ni Jonjon na sumusulyap-sulyap din ang babae sa kaibigan niya.

Mukhang susuwertehin ang kaibigan ko, naisip ni Jonjon nang lumagkit pa nang husto ang titigan nina Rex at ng babae. Nagdalawang-isip nga lang siya. Kwidaw si Jonjon sa mga ganitong lugar. Maraming naitatago sa mga lugar na sinadyang mapanglaw ang ilaw.

Dahil abala si Rex sa pagkilatis sa babae, hindi niya tuloy narinig ang pagbeep ng cellphone.

“Baka si Miko na ‘yan.” sabi ni Jonjon.

Tinabig pa niya ang braso ni Rex nang hindi siya pansinin ng kaibigan.

“Steady-lamig!” binara ni Rex si Jonjon.

Sinadyang bagalan ni Rex ang pagdampot ng cellphone sa mesa, ang pagpindot sa keypad. Dahil numero lang ang lumabas sa sender, alam na agad ni Rex na kay Miko galing ang message. Nanibago siyang all caps ang message.

CHIEF, SENSYA N. MAINIT S MLA.

UMAALAT HANGIN. HIRAP MGTAMBOL

KPG HNAHABOL. TEX-TEX.

Papalit-palit ng SIM card si Miko. Bahagi ito ng pag-iingat nila. Marami na kasi sa mga kasamahan nila sa bundok ang nabasyo dahil sa cellphone. Kailangang magpapalit-palit sila ng numero. Minsan nga, pati cellphone. Bumulaga ang iba’t ibang cellphone nang minsang matabig ang bag ni Miko sa rehearsal studio. Bagong modelo lahat. Para tuloy ahente ng cellphone si Miko. O cellphone snatcher matapos ang isang maghapon, minsang biro ni Rex.

Napailing si Rex dahil laging nagkukuwento si Miko kung gaano kahirap ang buhay nila sa bundok. Madalas kamote lang ang pagkain nila, kung may kakainin pa. Piyesta na pag may asin para may lasa kung anong dahon ang mailalaga nila. Ibang usapan pag cellphone. Nahiya tuloy maglabas ng cellphone si Rex. Hindi na nga colored ang screen, burado pa ang keypad ng sa kanya. Bago daw, sabi ni Jonjon dati. Bagong pangkaskas ng yelo para sa halo-halo.

Noon pa lang, naisip na ni Rex na magiging problema ang oras ni Miko para sa banda. Alam niyang kung magkagipitan, bundok ang pipiliin ni Miko. Hindi naman nilihim ni Miko nang mag-audition siya at tinanggap rin naman ni Rex. Paano ba naman, sa mahigit sampung nag-audition, si Miko malupit. Kung tutuusin, si Miko lang ang tambolistang nakita ni Rex nang personal na kayang paluan ang Moby Dick ng Led Zeppelin. Parang lumilipad ang mga kamay nito. Hindi halos tumatama sa tambol ang stick pero malutong na malutong ang dagundong at sitsit sa bawat paghataw. Sumasabit nga paminsan-minsan sina Rex dahil di nila maubos maisip kung paano nagagawa ni Miko na patunuging isang buong drum kit ang isang pasadyang tambol na gawa ng kaibigan nilang taga-Boracay. Iisipin mong mas marami pa sa dalawa ang kamay ni Miko na walang puwang magpalit-palit ng stick at brush at maso at kamao, yong totoo at yong simboliko.

Di maipaliwanag ni Rex kung bakit ba may simpatya siya sa ipinaglalaban ng mga nasa bundok. Minsan lang naman siyang nag-imersyon kasama ng mga magsasaka sa Gabaldon, Nueva Ecija bilang bahagi ng isang proyekto sa college. Ni hindi pa siya nabilad sa araw o naglublob sa putik para magtanim. May encounter kasi noong naroon sila.  Putukan nga lang ang naranasan niya. At ang tanging karahasang nasaksihan niya, ginawa doon sa unggoy na nilaga at pinagsalusaluhan nila dahil natahimik na ang palayan mula sa putukan at dahil nga merong mga bisitang taga-Maynila. Anu’t ano pa man, kahit na anong maitutulong, basta kaya niya (basta hindi niya kailangang gumastos, umalis ng Maynila o malagay sa panganib),  ibibigay niya. Ayos na ayos nga ngayong nasa banda na si Miko. Sino ba namang magsususpetsang miyembro siya ng kilusan? Sa haba ng buhok at sa dami ng tato sa patpating katawan, mas pagkakamalan siyang adik kaysa rebelde.

Itutuloy

Para sa Mansanas na Masarap
Dahil kasama ang kuwentong ito sa isang exhibit (Remix: Santi Bose ) na planong gawing libro, ipopost ko lang ang excerpt.

Bakasyon
Matapang daw ang tandang na dala nina Lolo. Dumating sila kahapon ng madaling araw galing Catbalogan, kung saan man yon.  Kahit hindi pa umaaraw, tumitilaok na ito.  At ito na nga ang gumising sa ‘min kanina. Ayon pa sa konting naunawaan ko sa pag-uusap ng mga matatanda, kahit anong oras, tumitilaok ito. Di daw umuurong kahit saan isabong. Basta nakatayo ang pulang-pulang palong. Mapusyaw na pula tulad ng piniritong itlog. Parang banaag ng araw.

Patapos na ang hapon nang di sinasadyang mapatulog kami ni Lolo. Sumipol siya ng sipol niyang simpanatag ng huni ng ibon. Sa pagitan ng dalawang malaking ngipin iniihip ang hangin. Parang ngumingiti, kaya masaya kami. Parang kuneho, sabi ng kapatid ko. Parang mais na buhaghag, naisip ko. Biniro ko pa si Lolo na puwet ng kawali ang likod ng banjo na kinakalabit niya, kinikiliti.

Inawitan niya kami ng mga kantang di namin maintindihan ang mga salita. Kahit kahapon lang namin siya nakilala, nahimbing agad kami. Unang humilik si utol, kasisimula pa lang ng Usahay. Iniisip ko pa kung saan ko narinig ang Matud Nila nang tuluyan na akong makatulog.

Pero, di nagtagal naalimpungatan ako. Parang tumapon ang pasalubong nilang sukang paombong.  Masangsang rin ang dala nilang lansa ng ilang araw ng paglalakbay sa dagat. Maalat ang hangin sa bahay. Maligalig rin dahil sa pagsasalitan ng sa pagtatalak ang tandang at ang mga pinsan at tito kong Waray.

Tuluyan na kaming nagising magkapatid sa palatak ng tilamsik ng mantika.  Laganap na ang panunulasok ng kumukulong ng suka, toyo at bawang. Nakakabahing ang dahong laurel at butil-butil ng paminta. Magtatakipsilim na noon, naglilimlim na sa aratiles ang mga maya. Di kami natakot sa anino ng taong nagluluto sa kusina. Sa wakas at natahimik na rin ang bahay. Nag-inat kami at unti-unting kinilala muli ang kagana-ganang pagsipol ng anino ni Lolo.

Isang Kahang Winston, cont’d.
(click ka rito para sa sinundang kabanata)

2

Ang tagal naman makahanap ng pansindi ‘tong si MA. Nagkapitikan na naman kasi ng lighter sa inuman kagabi. Paborito ko pa naman yong nabili ko sa kanto. Walang tatak. Orange. Pero may sticker ng babaeng bumubulaga ang malulusog na suso. Asian Beauty ang headline. Walang pangalan. Ba’t mo pa ba aalamin ang pangalan kung ganitong nakabuyangyang na ang kaluluwa sa ‘yo? Malamang nenok lang din ang picture kung saan website. Basta.

Heto yong lighter na footlong. Parang torch kasi puwede mong kontrolin ang buga ng apoy. Palagay ko nga, puwede talagang sulo kapag kinailangan na. Siguro iniisip mo, sinindihan namin ‘to nang tumipa na si Howard sa gitara. Ganoon kasi ang nakasanayan. Sayang namang yong fluid kung sisindihan namin ito parang sa isang walang kuwentang konsiyerto. Laos na yan. Taasan na lang ng cellphone. Ganoon din naman ang epekto.

Teka, nabanggit ko lang yong cellphone, kumikiriring na yong sa ‘kin. Teka lang ha.

Ayan, nasabon na naman ako ni MA. Stick to the story daw. Nilinaw ko ang sinabi niya minsan kasi mahirap kausapin ‘tong si MA. Nabubulol ang daloy ng pag-iisip.

“Stick bawat story, di ba?” binigkas ko nang walang bahid ng malisya.

“Marunong ka palang magpatawa.”

“Nagtaka ka pa. E ikaw ang nagturo sa ‘kin.” sagot ko.

“Sarcastic ako! Okey lang magpatawa kung nakakatawa.” Nabingi ako sa sigaw ni MA. Siyempre nasaktan ako kahit paano. Pero okey lang. Gayunpaman, para ipakita kong nainis ako sa kanya, tumalikod ako at naglakad nang pailing-iling.

E ano kayang kuwento ang gusto niya. Oo, wala akong karapatang umangal. At wala akong ibang magagawa kundi sumunod lang sa iniisip/inuutos niya. Pero alam naman niyang, matagal na akong walang kausap. Ngayon lang nang mabuo ako imahinasyon niya. Ewan ko ba. Kung talagang may-akda siya, bakit hindi niya alam na sa ganito mauuwi ang kuwentong ito. Hindi rin ba niya alam na, ayan, naubos na ulit ang yosi at magsisindi na naman ako ng panibago.

Ang hirap sa kanya, akala mo diyos. Wala namang binatbat.

3

Atin-atin lang ha. Ang totoo, di pa talaga naubos ang yosi. Pinatay ko lang kahit pa di pa ako nangangalahati.

Sshhh. Oo, huwag kang maingay. Baka magtampo si MA pag nalaman niyang alam mo rin.

Mabalik nga tayo.

Ayun, nagtutugtugan kami kagabi (mas nag-iinuman talaga), sinuyod ang 1001 songhits na dala ni Dino.  Inalam namin kung ano ang unang bibigay, yong mga boses naming umaatungal ba o yong mga kalawanging kuwerdas ng gitara ni Howard?

Patuloy lang sana ang ligaya nang dumalaw si Kapitan. Tulad nang nakasanayan na, kailangan naming tumigil sa kung anong ginagawa namin. Lumapit kami at ipinatong ang kanang kamay sa balikat niya. Pinigilan naming huminga kasi di lang minsan na may nasaktan sa paggawa nito. Bastos daw kasi pag hindi pumirme. At saka may matinding pagyugyog ang pagpatong ng mga kamay sa balikat. Di mo alam kung anong puwedeng mangyari. Kailangang kumapit nang mahigpit kay Kapitan.

Sa sandaling paghipong iyon, natalastas sa amin ang pakay niya.

“Di po siya nagagawi dito.” Unang nagsalita si Howard.

“Kanina, nakita ko si Julie, pero manika ang dala niya.” pahabol ni Dino.

“Santo Niño, ‘yon.” sabat naman ni Henry. “Biniro ko pa nga siya. Sabi ko, ingatan ang pagkarga sa ‘yo. Baka madurog ka.”

Pinandilatan ni Dino si Henry. Nakalakihan na naming tawaging Señor Sto. Niño si Dino. Kulot siya at punggok. Oo, nakalakihan namin, maliban si Dino na di na lumaki.

“O sige, na e di manika, kung manika.” sang-ayon ni Dino.

Teka, ha. Ibinulong sa ‘kin ni MA na alam naman talaga ni Dino. Nagsinungaling lang siya dahil ayaw niyang pagmulan na naman ng alaskahan. Bagay na kinainisan ko naman; yong pagbulong ni MA. Pero nagtimpi ako. Mahaba pa ang yosi ko kaysa filter.

“Bakit po ba ninyo hinahanap? Di naman po masama ang sapian ng santo di ba? E sa dinami-dami ng karamdaman ng mga taga-Buhangin, malaking pakinabang natin sa tulad ni Julie.” sabi ko para lumamig ang tensyon.

Para sumagot, nagtaas naman ng kamay si Kapitan. Di n’ya talaga kailangang magbukas ng bibig para magsalita.

Sang-ayon siya na malaking pakinabang nga si Julie. Ang totoo daw, hinahanap niya si Julie para magpagamot. Napapagod na raw siyang magmuwestra sa halip na magsalita. Na pabor sa ‘kin para siya na lang ang magsasalita at hindi yong idadaan pa sa ‘kin. Ako na nga ang nagsasalita para kay MA e, dadagdag pa si Kapitan.

Akala ko, may idadagdag si Henry nang lumapit kay Kapitan, yun pala aabutan niya ng yosi.

(Itutuloy)